Aking Sinta

O aking sinta
Minamahal kita

Aking dinggin
At panalangin
Ako’y ibigin mo rin

Masakit mang isipin
Na baka ako’y di mo mahalin

Mga pangamba’y kakalimutan
Makapiling ka lamang

‘Pagka’t ika’y aking hangarin
Lahat ay gagawin
Para sa’yo, lahat ng dagat ay aking tatawirin

‘Pagka’t ang pag-ibig na ito’y
Kailangan ng sakripisyo
Gagawin ko ang lahat para lamang sa iyo

Ngunit gagawin mo rin ba para sa’kin
At para sa’tin?

Mananatiling sikreto
Ang mga damdamin at katanungang ito
Hanggang hindi ko sabihin o itanong man lang sa’yo

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kayo

Death

Seven Years