Kayo
Walang duda sa aking puso't isipan
Kayo'y dapat magsama magpakailanman
Pag-ibig na 'di pinapahintulutan
Pipilitin niyo na lang ba kalimutan?
Hindi naman porke mayro'ng kasunduan
Hanggang kaibigan na lang ang makakamtan
Saki'y nananatiling palaisipan
Bakit nga ba kailangan pang pagbawalan?
Maaari man nila kayong diktahan
Madidiktahan ba nila ang puso niyo?
Paano kung ang pag-ibig niyo ay puro?
Minsan ay kaybigat lang kasi isipin
Nang dahil sa pirma, mistulang alipin
Ang impyernong ito, inyo nang lisanin
Hintayin niyo lamang ang wastong panahon
Kalauna'y kayo ri'y magiging mag-on
Kayo'y dapat magsama magpakailanman
Pag-ibig na 'di pinapahintulutan
Pipilitin niyo na lang ba kalimutan?
Hindi naman porke mayro'ng kasunduan
Hanggang kaibigan na lang ang makakamtan
Saki'y nananatiling palaisipan
Bakit nga ba kailangan pang pagbawalan?
Maaari man nila kayong diktahan
Madidiktahan ba nila ang puso niyo?
Paano kung ang pag-ibig niyo ay puro?
Minsan ay kaybigat lang kasi isipin
Nang dahil sa pirma, mistulang alipin
Ang impyernong ito, inyo nang lisanin
Hintayin niyo lamang ang wastong panahon
Kalauna'y kayo ri'y magiging mag-on
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento