Kayo
Walang duda sa aking puso't isipan Kayo'y dapat magsama magpakailanman Pag-ibig na 'di pinapahintulutan Pipilitin niyo na lang ba kalimutan? Hindi naman porke mayro'ng kasunduan Hanggang kaibigan na lang ang makakamtan Saki'y nananatiling palaisipan Bakit nga ba kailangan pang pagbawalan? Maaari man nila kayong diktahan Madidiktahan ba nila ang puso niyo? Paano kung ang pag-ibig niyo ay puro? Minsan ay kaybigat lang kasi isipin Nang dahil sa pirma, mistulang alipin Ang impyernong ito, inyo nang lisanin Hintayin niyo lamang ang wastong panahon Kalauna'y kayo ri'y magiging mag-on