Ang Katotohanan Tungkol sa Kasinungalingan
Sa mundong ito na puno ng panloloko Ito na lamang ang maaasahan ko Bagaman hanap mo ay katotohanan Rinig mo lamang ay kasinungalingan Wala na tayong mapagkakatiwalaan Karamihan ng tao tayo’y sasaktan Mahirap humanap ng pwedeng asahan Lahat ng tao tayo’y tatalikuran Nahihirapan tayong maintindihan Ang katotohanan ay hinaharangan Pinapakita ay kasinungalingan Kahit na hindi ito kailangan Tigilan na natin ang paglolokohan Wala rin naman itong patutunguhan Lumayo na tayo sa nakasanayan Bagaman hindi natin namamalayan Napakaraming bagay na ang nagbago Ang mga sikreto’y di na maitago Pati na rin ang mga damdaming bumubugso At mga bagay na pilit tinatago